Resource Type
Video
Role
Workers
2015-04-28 02:57
2015-05-01 10:51
Transcription
Maligayang Pagdating sa Workers Compensation Board of Manitoba (Lupon ng Manitoba para sa Bayad-Pinsala sa Mga Manggagawa), kilala rin bilang WCB kapag pinaikli.

Ang WCB ay nagbibigay ng sakop sa insurance sa mga manggagawang napinsala o nabalda habang nasa trabaho. Sinasakop nito ang mga nawalang suweldo para sa mga nasaktan na manggagawa na hindi nakatrabaho, mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan at rehabilitasyon, at ito ay binabayaran ng mga employer.

Ang WCB ay nag-aalok ng “no-fault” insurance na nangangahulugan na kung ang insidente ay mangyayari sa sakop na lugar ng trabaho habang ginagawa ang mga tungkulin na may kaugnayan sa trabaho, sakop ang mga manggagawa.

Sa pahinang ito, makikita mo ang mga mapagkukunan ng WCB sa Tagalog, kabilang ang mga Fact Sheet para sa mga manggagawa at employer, mga brochure, poster at sticker. Maaari mo ring bisitahin ang safemanitoba.com para sa karagdagang mga mapagkukunan sa pag-iwas sa mga pinsala sa trabaho.

Kung mayroon kang mga katanungan at nais makipag-usap sa isang tao sa WCB, mangyaring tawagan kami sa 204-954-4922 o 1-855-954-4321. Kung mas gugustuhin mong makipag-usap sa isang tao sa Tagalog o sa iba pang wika, maaari ka namin ikonekta kaagad sa isang tagapagsalin sa ibang wika.

Tandaan, kung masasaktan ka sa trabaho, narito ang WCB para tumulong.