Transcription
Walang umaasang masaktan sa trabaho…pero nangyayari ito.
At kapag nasaktan ka sa trabaho, ang Workers Compensation Board ng Manitoba – o WCB – ay narito para tumulong.
Para matulungan ka, dapat mo kaming tulungan…sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga pinsala sa lugar ng trabaho.
Ang unang bagay na dapat gawin kapag nasaktan sa trabaho ay magpagamot kaagad, kung ito ay kailangan. Kapag ginawa mo ito, tiyakin na sabihin sa iyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan na ikaw ay nasaktan sa trabaho. Ang iyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan ay kakailanganing gumawa ng ulat at ipapadala ito sa WCB.
Kakailanganin mo ring sabihin ang iyong pinsala sa iyong employer sa lalong madaling panahon.
Pagkatapos, sabihin ang iyong pinsala sa WCB – lalo na kung ang iyong pinsala ay kinailangan kang magpagamot o nagresulta ng nawalang oras sa iyo sa trabaho. Sasabihin rin ng iyong employer ang iyong pinsala sa WCB.
Kapag tinawagan mo ang WCB, ikaw dapat ay mayroong:
• Numero ng social insurance
• Ang iyong personal na numero para sa pangkalusugang pagkakakilanlan
• Ang pangalan ng tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan na tumingin sa iyo; at
• Ang impormasyon ng iyong sahod kung nawalan ka ng oras sa trabaho.
Ang Workers Compensation Board ay mayroong mga serbisyo para sa pagsasalin-wika, para makausap mo ang isang kinatawan ng WCB sa pinili mong wika.
Sasabihin mo sa kinatawan ng WCB ang tungkol sa iyong pinsala at kung paano ka nasaktan. Pagkatapos, bibigyan ka ng kinatawan ng WCB ng numero para sa paghahabol, at ang pangalan at numero ng telepono ng isang tao na tinatawag na isang Adjudicator.
Ang iyong Adjudicator ang taong makikipatulungan sa iyo tungkol sa iyong paghahabol. Kung mayroon kang anumang mga katanungan o alalahanin, maaari mong tawagan ang iyong Adjudicator. Susuriin ng iyong Adjudicator ang iyong paghahabol at gagawa ng desisyon tungkol sa iyong karapatan sa mga benepisyo.
Habang ikaw ay nagpapagaling mula sa iyong pinsala sa trabaho, dapat mong:
• Sundin ang plano ng iyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan para sa paggaling at pumunta sa lahat ng mga kasunod na appointment
• Manatiling may ugnayan sa iyong employer para malaman nila ang lagay ng iyong paggaling at kung kailan ka makakabalik sa trabaho, magtatrabaho man nang regular o nang binagong gawain hanggang ikaw ay ganap na gumaling, at
• Manatiling may ugnayan sa iyong Adjudicator, o kung ito ay pangmatagalang paghahabol sa iyong Case Manager, para alam rin nila ang iyong pagbuti.
Tandaan; mayroon kang karapatan na sabihin ang iyong pinsala sa lugar ng trabaho sa Workers Compensation Board. Ang pag-uulat ng iyong pinsala sa WCB sa lalong madaling panahon ay makakatulong sa iyong makatanggap ng mga benepisyo at pagsakop para sa mga nawalang sahod habang ikaw ay nagpapagaling.
Kung masasaktan ka sa trabaho, narito kami para tumulong. Kaya sabihin ang lahat ng pinsala sa lugar ng trabaho sa Workers Compensation Board ng Manitoba sa pamamagitan ng pagtawag sa 204-954-4321, o nang walang bayad sa 1-855-954-4321.